本日の学習コンテンツ
- 使役 Pandiwang Pautos
- 使役+ください Pandiwang Pautos +ください
- 使役受身 Pautos – Balintiyak
使役 Aさせる
【意味】 動作を指示する・命令すること Nagbibigay ng utos o pakiusap
① 弟が荷物を運ぶ。 Binuhat ng nakababata kong kapatid ang bagahe.
② わたしは弟に荷物を運ばせる。 Ipinabuhat ko sa nakababata kong kapatid ang bagahe.
「わたしは弟に荷物を運ばせる」は
私が弟に「荷物を運ぶ」という動作を指示、命令している という意味
Ang kahulugan pangungusap na 「わたしは弟に荷物を運ばせる」ay
ang kilos na “buhatin ang bagahe” ay inutos ko sa aking nakababatang kapatid.
☆ 受身の「運ばれる」と間違えないこと!Mag-ingat na huwag malito sa pasibong pandiwa na 「運ばれる」.
【かたち】[Conjugation]
Ⅰグループない形 + ーせる
例) 読む → 読まない → 読ま+せる → 読ませる
Unang uri ng pandiwa: Isalin ang pandiwa sa itong negatibong aspeto, tanggalin ang ない, at idagdag ang せる. Halimbawa, ang pandiwa na 読む ay magiging 読まない sa negatibong aspeto. Tanggalin ang ない at idagdag ang せる, ito ay magiging 読ませる.
Ⅱグループない形 + ーせる
例) 食べる → 食べ+させる →食べさせる
Pangalawang uri ng pandiwa: Isalin ang pandiwa sa itong negatibong aspeto, tanggalin ang ない, at idagdag ang させる. Halimbawa, ang pandiwa na 食べる ay magiging 食べない sa negatibong aspeto. Tanggalin ang ない at idagdag ang させる, ito ay magiging 食べさせる。
Ⅲグループ
する → させる
来る → 来させる
例)運動する → 運動させる
Pangatlong uri ng Pandiwa: Ang mga pandiwang する at くる ay irregular na pandiwa. Ang pautos na anyo ng する ay させる. Ang pautos na anyo ng くる is こさせる. Halimbawa, ang pandiwa na 運動する ay magiging 運動させる kapag ito ay ginawang pautos na anyo.
【例文】Halimabawa
・子どもに野菜を食べさせる。
Pinakain ng gulay ang bata.
・留学生に日本語の教科書を読ませる。
Pinabasa sa banyagang mag-aaral ang aklat ng japanese.
・新入社員に今年の目標を書かせた。
Pinasulat sa mga bagong empleyado ang kanilang layunin para sa taon.
・彼女が来るのでお母さんに部屋の掃除をさせる。
Dahil darating ang aking kasintahan, ipinalinis ko sa aking ina ang kuwarto.
使役+ください・ほしい・もらう
【意味】やりたいことをお願いする・許可をもらう
Kahulugan: Paghingi ng pahintulot upang gawin ang isang kilos, gamit ang ください・ほしい・もらう
① わたしに書類を書かせてください。
Pahintulutan mo akong isulat ang mga papeles.
② わたしに書類をかかせてほしい。(インフォーマル)
Payagan mo akong isulat ang mga papeles. (impormal)
③ この会社で働かせてもらう。(許可をもらう)
(Mangyaring) hayaan ninyo akong magtrabaho sa kompanyang ito. (Paghingi ng pahintulot)
【かたち】Anyo 使役動詞のて形 + ほしい・ください・もらう
Pautos na anyo ng pandiwa て at idagdag ang ほしい、ください、at もらう sa huli
(たとえば)(Halimbawa)
手伝わせる→手伝わせてください。
Ang pandiwa na 手伝う ay magiging 手伝わせる. Ito ay gawing て形, idugtong ang ください、ほしい、o もらう, at ito ay magiging 手伝わせてください.
食べさせる→食べさせてほしい。
Ang pandiwang 食べる ay magiging たべさせる. Ito ay gawing て形, idugtong ang ください、ほしい、o もらう, at ito ay magiging 食べさせてほしい.
勉強させる→勉強させてほしい。
Ang pandiwang 勉強する ay magiging 勉強させる. Ito ay gawing て形, idugtong ang ください、ほしい、o もらう, at ito ay magiging 勉強させてほしい.
The verb 勉強させる becomes 勉強させる in the causative form and then becomes 勉強させてほしい in the causative + ください、ほしい、and もらう form.
使役動詞はすべてⅡグループ動詞だよ。
All of these causative verbs are group 2 verbs.
Lahat ng ito ay bahagi ng pangalawang uri ng pandiwa.
【例文】[Halimbawa]
・この仕事は私にやらせてください。(私はやりたいので命令・支持してください)
Pahintulutan (ninyo) akong gawin ang trabahong ito. ( Paghingi ng tagubilin o instruksyon ukol sa trabaho dahil nais kong magtrabaho)
・この仕事は私にやらせてほしい。(「ほしい」は「ください」よりインフォーマル。意味は同じ)
Hayaan ninyo akong gawin ang trabahong ito. ( Ang ほしい ay direkto at mas impormal kaysa sa -てください. Ngunit ang kahulugan ay parehas din.)
・今日は体調が悪かったので早く帰らせてもらった。(早く帰る許可をもらった)
Masama ang aking pakiramdam ngayon kaya ako ay pinahintulutang umuwi ng maaga. (Pahintulot upang umuwi ng maaga)
☆上司に「お願い」や「許可をもらう」ときに使います。 Ito ay ginagamit kung humihingi ng pahintulot mula sa amo o nakatataas.
使役受身
【意味】 やりたくない指示や命令を受ける
Kahulugan: Pagtanggap ng utos na ayaw gampanan o gawin
① 父はわたしに掃除をさせました。(使役の文)
Pinaglinis ako ng aking tatay. (Pautos na pangungusap)
② わたしは父に掃除をさせられました。(使役受身の文)
Pinaglinis ako ng aking tatay.
イヤだけど父の命令・指示を受けて掃除をした。
Ayaw kong gawin ng utos ngunit ginawa ko pa rin dahil utos ito ng aking tatay.
【かたち】Anyo
Ⅰ グループ Unang uri ng Pandiwa
ない形+される
ない na anyo ng pandiwa +される
(たとえば) 働く→働かされる
Halimbawa: Ang pandiwa na 働くay magiging 働かされる sa pautos na balintiyak
【注意】「す」で終わる動詞
Babala : Mga pandiwa na nagtatapos sa 「す」
使役動詞のない形+られる
ない na anyo ng pautos na pandiwa +られる
(たとえば)話す→話させる→話させられる
Halimbawa: Ang pandiwa na 話す ay magiging 話させる sa pautos na anyo. Ito ay magiging 話させられる sa anyong pautos-balintiyak.
Ⅱグループ Pangalawang uri ng pandiwa
使役動詞のない形+られる
ない na anyo ng pautos na pandiwa +られる
(たとえば)Halimbawa
食べさせる→食べさせられる
Ang pandiwa na 食べる ay magiging 食べさせる sa pautos na anyo. Ito ay magiging 食べさせられる sa anyong pautos-balintiyak.
練習させる→練習させられる
Ang pandiwa na 練習する ay magiging 練習させる sa pautos na anyo. Ito ay magiging 練習させられる sa anyong pautos-balintiyak.
受身への変化の方法は受身①と同じ!
Ang pagsalin ay katulad ng pabalintiyak na pandiwa #1.
【例文】Halimbawa
・母親に野菜を食べさせられる。
Ako ay pinakain ng gulay ang aking nanay.
・子どもに部屋を掃除させられた。
Pinaglinis ako ng kuwarto ng aking anak.
・先生に何回も教科書を読まされた。
Paulit-ulit akong pinagbasa ng aklat ng aking guro.
・部長に今年の目標を書かされた。
Pinagsulat ako ng direktor ng aking mga layunin para sa taong ito.
「野菜を食べる」「掃除をする」「教科書を読む」「目標を書く」
すべてやりたくないこと。
やりたくないことを指示・命令されたという意味だよ。
Ang mga pariralang “kumain ng gulay”, “maglinis”, “magbasa ng aklat” at “magsulat ng mga layunin” ay mga kilos na ayaw kong gawin, ngunit ginampanan ko pa rin ang kilos o aksyon.
【N3の漢字と言葉】[N3 Kanji at bokabularyo]
①漢字は初級の漢字でも難しい。
Kahit ang madaling kanji ay mahirap.
②アルバイトを募集する。
Magkalap ng magpapart-time.
③明らかな間違いに気づかなかった。
Hindi ko napansin ang mga malinaw na pagkakamali.
④皆の感想を聞く。
Pakikinggan ko ang impresyon ng lahat.
⑤誤解してごめんなさい。
Paumanhin sa maling pagkaunawa.
⑥申し込むのをうっかり忘れてしまった。
Nakalimutan kong mag-aplay.
⑦納得するまできちんと話してください。
Magsalita ka ng maayos hanggang ako ay makumbinsi.
⑧カラスは本当に賢い。
Talagang matalino ang uwak.
⑨本当かどうか確かめてください。
Paki-suri kung talagang totoo o hindi.
⑩新しい仕事が決まった。
Napagpasyahan ang aking bagong trabaho.